RASHID OCAMPO

Oct 8, 2026

Sino ang Hallaf?

Ang mga marites, mga chismosa na mahilig manumpa

Nakakita ka na ba ng taong ganito? 'Yung tipong kung magsalita, parang may titulo ng katotohanan?

"Wallahi, hinding-hindi ako magsisinungaling!"

Pero siya rin pala ang may pinakamalaking bibig sa buong barangay.

Nakakatawa, 'di ba? Ito ang advanced level ng pagiging Marites.

Hindi lang siya basta mahilig sa kwento. Kailangan niyang magmukhang kapani-paniwala para paniwalaan siya. Kasi sino ba naman ang makikinig sa halatang tsismosa?

Kaya ang technique?

Kunwari may moralidad.

Kunwari may integridad.

Pero sa totoo lang, siya rin ang pinaka-mahilig magkalat ng kwento.

Bakit niya ito ginagawa?

Simple. Para manatili siyang relevant.

Dahil ang mundo niya ay umiikot sa atensyon at kontrol. Para sa kanya, ang mundo ay parang malaking eksena sa teleserye. Kapag wala kang bagong balita, hindi ka na interesting.

Kapag ikaw ang source ng impormasyon, ikaw ang sentro ng usapan. Ikaw ang kinakausap, pinapakinggan, tinatanong.

At ang pinakamalaking takot ng isang Marites? Ang mawalan ng saysay.

Kaya siya na mismo ang gumagawa ng kwento. Siya na ang nagdadagdag ng konting "spice" para mas kapanapanabik. Pero hindi pwedeng halatang tsismis lang. Kailangan may credibility.

Paano gagawing kapani-paniwala ang kwento?

Magmukha kang banal.

Magmukha kang concerned.

Kung maaari, sumumpa ka.

Gamitin mo ang pangalan ng Diyos.

"Ayaw ko sanang sabihin, pero para sa ikabubuti niya..."

"Concern lang ako, kaya sinasabi ko ito..."

"Sumpa man, totoo talaga ito."

Ang Hallaf

Ang katangiang ito ay tinatawag na hallaf. Sinabi ng Allah sa Surah Al-Qalam (68:10):

وَلَا تُطِعْ كُلَّ حَلَّافٍ مَّهِينٍ

"At huwag mong sundin ang bawat palasumpang hamak."

Pero sa totoo lang, hindi ito tungkol sa malasakit. Tungkol ito sa kapangyarihan at manipulation.

Ang Hukay na Siya Mismo ang Naghuhukay

Narinig mo na ang kasabihang:

"Ang taong mahilig manira, siya rin ang unang sinisira ng sarili niyang dila."

Kasi habang nagkakalat siya ng istorya, hindi niya napapansin na siya mismo ang bumabaon sa sarili niyang hukay.

Dahil dumarating ang punto na kahit gaano ka pa kapani-paniwala, kahit gaano pa kahusay ang pagdadala mo ng sarili, may isang tanong na biglang sisira sa iyo:

"Kung ganito siya magsalita tungkol sa iba... ano kaya ang sinasabi niya tungkol sa akin?"

Ang mga ganitong klaseng tao, kahit gaano pa sila ka-kredible sa umpisa, mahuhuli at mahuhuli rin.

Matatapos din ang mga episode nila. Hindi dahil kinapos sila ng kwento, kundi dahil wala nang natirang naniniwala.

Kahit anong sumpa pa ang gawin nila.

Comments

    Leave a comment